Tuesday, April 5, 2022

Mga Paraan ng Pag-depensa - Man-to-Man at Zone Defense

Mga Paraan ng Pag-depensa - Man-to-Man at Zone Defense

Man-to-man Defense ang tawag sa depensa na isa lang ang binabantayan mo. Sundan mo lang ang binabantayan mo kahit saan tumakbo kahit may screen. Pwede din mag-switch o magpalit ng kabantayan. Ginagamit ito pag mahusay ang depensa ng iyong mga manlalaro laban sa kanilang match-ups. 

Zone Defense o Sona ay ginagamit kapag may mismatches sa match-ups. Halimbawa may mataas o may magaling mag-drive. Magso-sona ka ngayon. Babantayan ninyo ang space o espasyo para di maka-penetrate o maka-poste ang kalaban kaya magdo-double-team kayo tapos aangat o bababa yung isa. Mag-aadjust ka ng Sona depende sa kalaban na nasa court. Halimbaw ang 2-3 zone - 2 player sa itaas, 3 sa baba. Kung di masyado tumitira sa tres yung 2 sa itaas tapos tumitira sa tres yung 2 sa corner o kaya pumoposte, mainam na pantapat ang 2-3 zone. Pag 3-2 zone naman, pag 3 ang tumitira ng tres sa wings at gitna. Pag 1-3-1, panlaban sa tira sa wings at gitna tapos may penetration pa. Pag 2-1-2, laban sa penetration yan. Pag 1-2-2, laban sa penetration at poste, wala silang tira sa tres. 


May mga combination o hybrid defense na tinatawag. Sa Box-1, may man-to-man na isa tapos naka-sona yung apat. Ginagamit ito pag may scorer sa kabila. Diamond-1 naman ay variation, kapag walang tira sa tres yung kalaban kesa sa Box-1 na may depensa sa tres. Triangle-2 naman may 2 tumitira sa tres kaya match-up man-to-man defense ka sa kanila tapos 3 naka-sona sa poste. 

Sa aking palagay, dapat malaman mo kung ano ang opensa ng kalaban para alam mo ang itatapat na depensa. 


No comments:

Post a Comment