Mga Klase Ng Opensa Sa Larong Basketbol
Ang Opensa ang tawag sa paraan kung paano pumupuntos ang isang team. Ang mga plays ay tumatagal hanggang maubos ang shotclock na 24 seconds ngunit kadalasan ay tumitira na ang isang team mula 5 seconds hanggang 15 seconds.
*Solid line - galaw ng player
*Broken line - pasa ng bola
*Solid line - galaw ng player
*Broken line - pasa ng bola
Double Screen naman ay parang gumawa ng barikada sina Player 5 at Player 3 para makawala si Player 2 na iikot sa screen nila para makuha ang pasa. Makikita natin na ang pasa ay galing kay Player 4 ngunit kung napabilis ang play ay pwede so Player 1 ang magpasa sa kaniya. Mala- Reggie Miller ang galawan. Down Screen naman ay galing sa poste si Player 2 na gagamitin ang screen ni Player 3 para makuha niya bola sa labas.
*Solid line - galaw ng player
*Broken line - pasa ng bola
*Solid line - galaw ng player
*Broken line - pasa ng bola
*Zigzag line - dribol
Hammer Offense Player 4 da-drive tapos ipapasa ang bola sa corner kay Player 2 na gagamitin ang screen ni Player 5 para ma-open. Dahil ang basketball ay game of adjustments, kung makalusot si Player 4 ay pwede niya na itira o ibagsak Kay Player 5 o ipasa sa iba pa. Hand-off naman magdi-dribol si Player 1 sa isang spot sa may labas tapos mag-screen siya at ipapasa kay Player 2 na da-drive sa papunta sa ring.
*Solid line - galaw ng player
*Broken line - pasa ng bola
L-Cut naman ay tatakbo ng letter L si Player 4 para ma-open kagaya ng L-move ng kabayo sa larong chess para malansi ang bantay. Lane ang tawag sa painted area sa ilalim ng ring.
*Solid line - galaw ng player
*Broken line - pasa ng bola
*Zigzag line - dribol
Ang Screen na tinatawag din na Pick ay ang pagharang sa bantay ng iyong kakampi. Pick-and-Pop o Screen-and-Pop ay magsi-set ng pick o screen si Player 5 tapos si Player 2 da-drive paikot sa screen at ipapasa ang bola kay Player 5 na may tira sa tres o kaya pwede niya hand-off uli kay Player 2 at screen uli si Player 5. Pick-and-Roll naman imbes na tumakbo sa labas si Player 5, tatakbo siya papunta sa ring o poposte para mapasahan ng bola. Ang iba pang variation nito ay Pick-and-Pass and Pick-and-Drive. Isang dribol lang mula sa 3-point line tapos dalawang steps ay malapit na sa ring para makapuntos.
*Solid line - galaw ng player
*Broken line - pasa ng bola
Triangle and Two napag-usapan natin sa depensa. UCLA cut naman ay pinauso ng University of California - Los Angeles. Isa itong give and go ngunit may screen pa silang ginawa. Ipapasa ni Player 2 and bola kay Player 3 tapos tatakbo papunta si Player 2 papunta sa ring gamit ang screen ni Player 5 at kung ma-open si Player 2, ipapasa sa kaniya ni Player 3 ang bola. Pwede din tumira sa tres si Player 3 o ipasa niya kay Player 5. Sa palagay ko ay parang Triangle Offense na din yan kase delikado magpasa sa crosscourt o magpasa sa malayo kaya tatlo lang ang nasa play dito.
Sa konklusyon piliin ang mga plays na bagay sa skills ng players mo at kanilang kundisyon.
No comments:
Post a Comment