Dahil marunong na tayo mag-dribol at pumasa, pag-aaralan naman natin ang pag-shoot ng bola. Kailangan naka-hugis rektangulo o square ang balikat pantay hanggang sa binti at paa bago tumalon.
Dakutin ang bola at gawing pang-asinta sa ring ang pagitan ng hintuturo at hinlalaki na daliri. Gayahin ang porma ni Michael Jordan, tiyak panalo ka sa laro.
Ngayon naman ay pag-aralan natin ang mga klase ng tira na kailangan mo.
1. Jump Shot 80%
2. Fade-away Shot 5%
3. Driving Lay-up o Dunk 15%
Simple lang. 80% ng mga tira mo, mula 5 feet, sa 10 feet, sa 15 feet, sa 20 feet at mas malayo pa, ay dapat jump shot. Kase pag magaling ka sa jump shot ay parang lay-up na lang yan sa iyo. Kumbaga sa 10 shots mo, siyam ang jump shots. Parang bread and butter move mo yan.
Fadeaway Shot naman ang pag-aralan natin. Ito ay isang jump shot na paatras. Ginagamit ito sa one-on-one play kung saan po-postehan mo ang bantay na babanggain mo saka tatalon ka ng paatras para magkaroon ng espasyo sa pagtira.
No comments:
Post a Comment